Categories
Politics

PANGILINAN: PRESERVE VACCINES IN ODETTE-HIT AREAS

Senator Kiko Pangilinan lauded the swift post-Odette actions of volunteers and government workers as he seeks the immediate restoration of electricity in affected areas to ensure that the vaccines there remain in pristine condition for usage.

“Nagpapasalamat tayo sa mabilis na pag-responde ng ating mga volunteers at kawani ng gobyerno upang dalhin ang tulong mula sa ating pamahalaan sa mga lugar kung saan nanalasa ang Super Typhoon Odette. Patuloy ang clearing operations na isinasagawa ng Department of Public Works and Highways upang mapabilis ang pagpasok ng mga relief items sa mga apektadong lugar,” Pangilinan said.

“Hinihimok ko rin ang mabilis na pagbalik ng kuryente sa mga naapektuhang lugar sapagkat may mga bakunang pang-COVID na naka-imbak sa mga ospital na maaaring masira. Kung walang cold storage para sa mga bakunang ito, kinakailangang palitan agad ang mga ito dahil hindi na ito ligtas gamitin,” the veteran legislator added.

“The absence of electricity is shooting fuel prices up.”

The seasoned lawmaker said the absence of electricity is shooting fuel prices up, noting reports he received that gasoline prices retail for at least P90 per liter in Cebu.

“Iligal ang price manipulation. Nakikiusap ako sa ating mga negosyante na huwag samantalahin ang disaster. I-steady niyo lang ang presyo. Yan na ang aguinaldo niyo na sa ating mga kababayan,” the senator stressed.

He thanked the private sector and the foreign governments who committed to send assistance to the affected areas.

“Salamat sa maraming negosyante na tumutulong para mas mabilis na makaahon ang ating kababayan. Shout out sa Gothong Lines na nagsabing libre nilang i-shi-ship ang mga donations,” Pangilinan said.

“Nagpapasalamat din tayo sa mga bansang nagsabing tutulong sila sa mga typhoon victims. Nariyan ang China, Canada, European Union, at United Kingdom. Kahit na kumakaharap din sa matinding krisis ang mga bansang ito dahil sa COVID-19, hindi pa rin nila nakakalimutang tumulong. Tiyak akong makakabangon tayo agad,” he added.

Pangilinan said the Volunteer Headquarters of Leni-Kiko 2022 continues to receive donations of rice, canned goods, drinking water, medicines, vitamins, and hygiene products.

“Nagpapasalamat tayo sa halos 700 na volunteers ang tumutulong dito magbuhat at magrepack ng mga donations.”

“Nagpapasalamat tayo sa halos 700 na volunteers ang tumutulong dito magbuhat at mag-repack ng mga donations. Tumatanggap din sila ng mga calls for help mula sa iba’t ibang lugar,” he said.

“Mula pa noong December 18, nakapagpadala na tayo ng food packs sa Surigao del Norte, Siargao Island, at Dinagat. Ngayong December 20, magpapadala tayo sa Surigao City, Cebu, Bohol, Tacloban, at Dumaguete,” Pangilinan added.

Pangilinan also welcomed the government’s move to allocate an initial P2 billion aid to the areas gravely hit by the typhoon, particularly in the Visayas and Mindanao areas.

“Malungkot na marami sa ating mga kababayan sa Visayas at Mindanao ang sasalubungin ang Pasko at bagong taon sa mga evacuation sites. Walang may gusto nito kaya bigyan natin sila ng agarang tulong para makabangon sila. Ang initial na P2 billion na nilaan ng pamahalaan ay magagamit upang makabangon ang mga areas na nasalanta,” he concluded.

Home

SHARE THIS ARTICLE

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *